I wrote this poem about 3 or 4 years ago and comlpletely forgot about it. lol. I thought I lost it somehow but it was just stashed somewhere in my computer's hard drive. It's written in Tagalog though, so if you don't understand it, you'll have to find someone to translate it for you. hehe. Buti Pa Sha ™©
Buti pa sha kasama ka Wala nang ginawa kundi ngumiti at tumawa Parang wala shang bagay na iniintindi Kasi siguro sa kanya ka lang `di makahindi Ano bang ginawa nya para makuha ka nya? Bakit ba hindi ka sa`kin napunta? Ang hirap palang makita kang ganito Buti pa sha masaya sa piling mo Buti pa sha lagi kang kausap Sa phone, sa internet, lagi pang kayakap Lagi kayong naglalakad na magkahawak ng kamay Tingin ko pa rin hindi kayo bagay Wala bang paraan para makalimutan kita? Ayoko nang isipin na meron ka nang iba Bakit hindi ka maalis sa isip ko? Buti pa sha laging nasa tabi mo Buti pa sha nahahalikan ka Nakikita nya lagi mga maganda mong mata Kumakanta ka sa kanya kahit kailan nya gusto Sarap ng buhay nya, parang mga labi mo Nayayapos nya'ng malambot mong katawan Tuwing sumasayaw ka sa kanyang harapan Hanggang pangarap na lang yata ako Buti pa sha laging inaaliw mo Buti pa sha napa-amo ka Ba't kaya ako 'di ko yun nagawa? Anong nakita mo sa kanya na wala ako? Anong ginawa ko na hindi mo gusto? Kahit anong mangyari, mamahalin pa rin kita Kahit magkatuluyan kayo at magpakasal pa Shite!! 'Di ko yata matatanggap yon Buti pa sha lumulutang na parang dahon Buti pa ang araw may katapusan Mabuti pa ang ulap nauubusan ng ulan Buti pa ang bra malapit sa dibdib mo 'Di tulad ko na lalong napapalayo Ayoko nang marinig ang iyong pangalan Mabuti pang mamatay para `di ka na pagmasdan Sana nga ako na lang pinili mo Siguro mas magiging masaya ka sa piling ko Kahit anong bagay gagawin at ibibigay sa`yo Maging ang langit, bituin, buwan o buong mundo Buti pa sha mahal na mahal mo Sana talagang masaya ka at hindi tulad ko...
|